We a good story
Quick delivery in the UK

Baboy Ko

By Aliena
About Baboy Ko

Matagal-tagal na ring namuhay ang may-akda sa ilalim ng anino ng kanyang mga santu-santuhan. Nakinig at naniwala sa kanilang mga mabubulaklak at matatamis na salita. Nagtampisaw sa putik na inakala niya'y biyaya. Nagpakapagod na tila kabayo upang mapaluguran lamang sila, upang makaamot ni isang pagkilala mula sa kanilang mga dila. Ngunit ang lahat ng iyon ay may hangganan. Sa panahon ng pandemya, kung kailan lahat ay tumila, natuklasan ng may-akda ang kanyang kakayahan at sa paligid ay nagmasid. Nahukay niya ang kanyang boses na matagal nang nakabaon, natutong pumalag sa tanikala ng bulag na pagtalima, at sa pamamagitan ng kanyang makulay na pluma, siya ay nag-umpisang makibaka. At doon isinilang ang kanyang suplementong Baboy Ko at Iba Pang Taludturang Kuwento. Ang Baboy Ko at Iba Pang Taludturang Kuwento ay naglalaman ng mga mahahaba at maiikling tula na hinugot mula sa karanasan ng awtor bilang isang guro, asawa, at ina, mula sa pait at pighati na dinanas ng kanyang mga kaibigan, mula sa mga kamay na sumasakal sa mga ibong nais lumaya, mula sa mga outputs sa Graduate Diploma in Teaching the Arts na di niya sinama sa kanilang literary folio, mula sa mga kabiguang naramdaman niya sa sistema ng pulitika sa bansa - maliit man o malaki, at mula sa mga magagandang bagay na kanyang namamasdan sa kanilang munting barangay at sa patak ng makukulay na pintura. Bukod pa rito ay naglalaman din ito ng mga larawang iginuhit o ipininta ng may-akda, kasama ang isang tulang tahasang nailalahad ngunit isinulat niya sa Baybayin. ""Read at your own risk"" ang kanyang panambitan, sapagkat ang mga laman ng suplementong ito ay walang preno at pakundangan; tamaan kung sinuman ang tatamaan. Kung hindi ka handa sa hagupit nang katotohanan, isara mo nalang at itapon sa basurahan.

Show more
  • Language:
  • Filipino
  • ISBN:
  • 9789355976222
  • Binding:
  • Paperback
  • Pages:
  • 62
  • Published:
  • February 24, 2022
  • Dimensions:
  • 127x4x203 mm.
  • Weight:
  • 78 g.
Delivery: 1-2 weeks
Expected delivery: December 15, 2024
Extended return policy to January 30, 2025

Description of Baboy Ko

Matagal-tagal na ring namuhay ang may-akda sa ilalim ng anino ng kanyang mga santu-santuhan. Nakinig at naniwala sa kanilang mga mabubulaklak at matatamis na salita. Nagtampisaw sa putik na inakala niya'y biyaya. Nagpakapagod na tila kabayo upang mapaluguran lamang sila, upang makaamot ni isang pagkilala mula sa kanilang mga dila.
Ngunit ang lahat ng iyon ay may hangganan.
Sa panahon ng pandemya, kung kailan lahat ay tumila, natuklasan ng may-akda ang kanyang kakayahan at sa paligid ay nagmasid. Nahukay niya ang kanyang boses na matagal nang nakabaon, natutong pumalag sa tanikala ng bulag na pagtalima, at sa pamamagitan ng kanyang makulay na pluma, siya ay nag-umpisang makibaka. At doon isinilang ang kanyang suplementong Baboy Ko at Iba Pang Taludturang Kuwento.
Ang Baboy Ko at Iba Pang Taludturang Kuwento ay naglalaman ng mga mahahaba at maiikling tula na hinugot mula sa karanasan ng awtor bilang isang guro, asawa, at ina, mula sa pait at pighati na dinanas ng kanyang mga kaibigan, mula sa mga kamay na sumasakal sa mga ibong nais lumaya, mula sa mga outputs sa Graduate Diploma in Teaching the Arts na di niya sinama sa kanilang literary folio, mula sa mga kabiguang naramdaman niya sa sistema ng pulitika sa bansa - maliit man o malaki, at mula sa mga magagandang bagay na kanyang namamasdan sa kanilang munting barangay at sa patak ng makukulay na pintura. Bukod pa rito ay naglalaman din ito ng mga larawang iginuhit o ipininta ng may-akda, kasama ang isang tulang tahasang nailalahad ngunit isinulat niya sa Baybayin.
""Read at your own risk"" ang kanyang panambitan, sapagkat ang mga laman ng suplementong ito ay walang preno at pakundangan; tamaan kung sinuman ang tatamaan. Kung hindi ka handa sa hagupit nang katotohanan, isara mo nalang at itapon sa basurahan.

User ratings of Baboy Ko



Find similar books
The book Baboy Ko can be found in the following categories:

Join thousands of book lovers

Sign up to our newsletter and receive discounts and inspiration for your next reading experience.